Dakilang Ina
Sa mundong ibabaw maraming bagay na hindi nakikita ng ibang tao na ito ay mahalagahindi madalas kailangan at madalas itapon na lang ngunit may isang babae na nagngangalang Rowena na sa pamamagitan ng mga basurang nakakalat katulad ng plastic ,bote,mga sirang gamit katulad ng timba ,telebisyon at mga kardon ,dyaryo at iba pa.
Nakapanayam ko siya kung paano niya nakakaya ang lahat at itaguyod ang tatlong anak na magisa lang.
Sa tabi ng kalsada sa may tapat ng puno ng Nara may dalang sako at may kasamang dalawang anak na lalaki siya ay aking nakapanayam.
Kumusta po kayo?Rowena:Bakit?
May Dala po akong Bote ito po o
Rowena:Akin na Nene
Iniabot ang mga bote sa anak na lalaki at inilagay sa sakong asul. Saan po kayo nakatira?
Rowena:Sa tabing Riles malapit sa may ilog sa bantang kanan.
Gaano na po katagal na kayo'y namamasura?
Rowena:Siguro labingdalawang taon pa lang ako noon ,matagal na itong trabaho ng aking Mama into ang bumuhay sa aming magkakapatid ,at ito rin ang paraan upang mabuhay ang aking tatlong anak na si Noel ,Lowi at bunsong babae na so Mela .Natutuwa naman ako dahil tinutulungan nila ako sa pangangalakal.(Nagsalita na may ngiti sa labi) Nahihirapan po ba kayo ?Bakit magisa long laying tumataguyod sa kanilang tatlo?
Rowena:Dalawang taon ng iniwan kami ng kanilang Mama kayak magisa na lang ako mahirap talaga! Ginawa ko lang ito para sa aking mga anak. Matapos ang ilang minuto nagpatuloy kaming naglakad, tumigil sa ilang nga bahay na nagsasabi " Dito may bote at plastik " agad tumakbo ang dalawang bata upang kunin ito.
Rowena: Sasama ka parin ba sa amin doon sa may tambakan ng basura?
Ako: Opo, sasama po ako.
(Nagpatuloy lang kami sa paglalakad 10:00 na ng umaga noong araw na yon) Magkano po ang kinikita nyo sa maghapon?
Rowena: 150.00 siguro pero depende pa rin sa dami ng aming nakakalakal sa maghapon, kasya na iyon sa pagkain namin sa araw na ito pambili ng bigas at ulam, at ang spbra ay pambili ng kailangan sa bahay.
Nakakabili po kayo sa inyong sipag sa trabaho
. Rowena:Salamat nene (Sumagot ng may ngiti sa labi) Sa tambakan ng basura makikita mo ang iba't-ibang bagay na lubos na nakakatulong sa pamilya ni Rowena. Sa mga simpleng bagay na iyon sobra silang nagpapasalamat. Magpapaalam na po ako, maraming salamat po sainyo.
Rowena: Walang anuman, ingat ka.
(12:45 na at patuloy parin ang pangangalakal ng mag-ina at ako ay naglakad na pauwi sa aming tahanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento