Linggo, Abril 2, 2017


"HUMSS:Daan sa Magandang Kinabukasan "
Ang Academic Track na tinatawa nilang Humanities and Social Sciences ay sa mga kurso na iyong pagpipilian bilang isang Grade 11student.Para sa akin,lubos itong makakatulong sa aking kursong kukunin sa kolehiyo at naghihintay na magandang trabaho. Para sa mga Grade 10 students ,ang HUMSS ay pag-aaral sa mga bagay na nangyayari noon katulad ng History sa pagbuo ng mga bagay na pinakikinabangan nation ngayon,ang mga asignatura na pasok dito ay pagalam sa iniisip o nararamdaman ng tao o tinatawag na Psychology,paraan ng tamang pagsulat sa Creative Nonfiction at pagkuha o pagalam ng impormasyon at marami pang iba. Ang mga asignatura na pinagaaralan ay malaking tulong sa kursong nais mong kunin ,mga bagong kaalaman tungkol sa pinagmulan nito,na magagamit mo pagdating sa kolehiyo. Ang pinagmulan ng mga bagay at pagbasa sa isipan ng tao ay lubos na nakakaenjoy sapagkat feeling ko ito ay kakaiba sa lahat .Ang matutunan ay tamang pagsulat ng talumpati ,poem ,at iba pang uri ng paraan ng pagbibigay ng opinyon sa iba ay epekto ng lubos na pagkatuto sa asignaturang ito. Pagdating mo sa kolehiyo ay may sapat ka nang kaalaman at maaring alam mo na rin ang kursong nais sa pagbili ng HUMSS.Maaari mong kunin ang kursong Educarion ,Psychology ,Criminology .Tiyak na pasok sa HUMSS. Sa bawat kursong pasok dito ,magkakaroon ka ng maayos na trabaho katulad ng pagiging isang guro,na nagbibigay -kaalaman sa mga estudyante o kaya ay paghuli sa mga taong nagkasala,na trabaho naman ng isang pulis. Ang Humanities and Social Sciences ,para sa akin ay pagalam sa iba't-ibang bagay .Napakarami kong natututuhan dito,na gusto kung iapply sa kolehiyo.Nais ko kasi maging guro balang araw. Ang pagkakaroon ng matatatag na trabaho ay bunga ng aking pagpupursige sa pag-aaral ,ito ay susi sa magandang kinabukasan na naghihintay sa akin. Ang pagiging guro ay maipagmamalaki mo sa iyong sarili at sa ibang tao sapagkat ito ay marangal na trabaho,na lubos na makatutulong sa iyo. Ang pag-aaral ng HUMSS ay daan sa bagay na iyong gustong marating at sa pagtatapos mo nito ay bunga ay magandang kinabukasan.
Mahal Naming Pangulong Rodrigo R.Duterte, Nais kong iparating sa iyo,sa pamamagitan ng sulat na ito,ang aking saloobin tungkol sa usapin ng War on drugs ,kasama na rin ang issue tungkol sa extra Judicial killing. Ngayon ,ang ating banda at humaharap sa ganitong isyu.Bilang isang estudyante ,para sa akin,hindi makakabuti na ipagpatuloy pa ang pagpatay sa ating kapwa kahit pa sila at nagkasala ,dahil any pagkawala ng buhay ng isang tao at hindi magbabago sa nagawa nito..Ang isang mali ay hindi ay hindi maitatama ng isa pang mali.Ang pagbibigay ng isa pang pagkakataon sa mga raong nagkamali sa pagpili nila ng tatahaking landas ay isang mabuting paraan upang ito ay maayos nang walang dahas o pagkamatay nf sinuman. Ang mga taong gumagamit o patuloy pa rin na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot,tulungan mo po sila ,para sa sinasabi na pagbabago.Pagbabago sa bansa:matigil ang kaguluhan ,ang pagkamatay ng mga inosenteng tao na nadadamay sa extra judicial killings at sa mga tao na nais magbagong-buhay ;Sana'y manaig ang kapayapaan sa ating bansa. Bilang isang mamamayan ng ating bansa ,nakikita ko at nakikinig ang mga usaping ito sa radyo,telebisyon at dyaryo sa araw-araw na buhay.Palagi ko na lang itong nakikita o nakakaharap Nakakaumay na.Sana po ay mabago ninyo ito. Sa telebisyon ko madalas napapanuod ang pagkamatay ng ating kapwa.Sobra akong naaawa dahil sa mga taong namamatay lalo na sa mga inosente at walang alam tungkol dito at napagbintangang lang .Ang pamilya ng naiwan ay sobrang galit ang nararamdaman ;hindi ko sila masisisi sapagkat napakasakit na mawalan ng isang parte ng pamilya.Kung ako ang nasa sitwasyon ,maaaring ganon din ang aking maramdaman. Isa pa ,labag ito sa ating Diyos:ang pagkitil ng buhay ng isang tao ano man ang nagawa nito,hindi pa rin ito sapat upang siya'y patayin.Tangin ang diyos lamang ang magdedesisyon o makapagsasabi sa kahahangtungan ng isang tao.Sapagkat alam ng Diyos ang tama at mali sa lahat ng bagay,nakatakas man ang taong nagkasala sa mata ng diyos ay hindi siya makakaligtas. Mahal na Pangulo Rodrigo R.Duterte ,nais ko lang na malaman mo ang nararamdaman ng isang tulad kong estudyante tungkol sa War on drugs na nagaganap sa ating bansa.Hindi man ito makapagbabago sa panaanaw mo,nais ko pa ring malaman mo,na sana balang araw maisip mo ito at mabago ang tingin mo sa mga tao na nais magbago.Sana'y bigyan mo po sila ng pagkakataon na maipakita ito.
Lubos na gumagalang,
Crisha Garcia Rubico