Linggo, Abril 2, 2017

Mahal Naming Pangulong Rodrigo R.Duterte, Nais kong iparating sa iyo,sa pamamagitan ng sulat na ito,ang aking saloobin tungkol sa usapin ng War on drugs ,kasama na rin ang issue tungkol sa extra Judicial killing. Ngayon ,ang ating banda at humaharap sa ganitong isyu.Bilang isang estudyante ,para sa akin,hindi makakabuti na ipagpatuloy pa ang pagpatay sa ating kapwa kahit pa sila at nagkasala ,dahil any pagkawala ng buhay ng isang tao at hindi magbabago sa nagawa nito..Ang isang mali ay hindi ay hindi maitatama ng isa pang mali.Ang pagbibigay ng isa pang pagkakataon sa mga raong nagkamali sa pagpili nila ng tatahaking landas ay isang mabuting paraan upang ito ay maayos nang walang dahas o pagkamatay nf sinuman. Ang mga taong gumagamit o patuloy pa rin na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot,tulungan mo po sila ,para sa sinasabi na pagbabago.Pagbabago sa bansa:matigil ang kaguluhan ,ang pagkamatay ng mga inosenteng tao na nadadamay sa extra judicial killings at sa mga tao na nais magbagong-buhay ;Sana'y manaig ang kapayapaan sa ating bansa. Bilang isang mamamayan ng ating bansa ,nakikita ko at nakikinig ang mga usaping ito sa radyo,telebisyon at dyaryo sa araw-araw na buhay.Palagi ko na lang itong nakikita o nakakaharap Nakakaumay na.Sana po ay mabago ninyo ito. Sa telebisyon ko madalas napapanuod ang pagkamatay ng ating kapwa.Sobra akong naaawa dahil sa mga taong namamatay lalo na sa mga inosente at walang alam tungkol dito at napagbintangang lang .Ang pamilya ng naiwan ay sobrang galit ang nararamdaman ;hindi ko sila masisisi sapagkat napakasakit na mawalan ng isang parte ng pamilya.Kung ako ang nasa sitwasyon ,maaaring ganon din ang aking maramdaman. Isa pa ,labag ito sa ating Diyos:ang pagkitil ng buhay ng isang tao ano man ang nagawa nito,hindi pa rin ito sapat upang siya'y patayin.Tangin ang diyos lamang ang magdedesisyon o makapagsasabi sa kahahangtungan ng isang tao.Sapagkat alam ng Diyos ang tama at mali sa lahat ng bagay,nakatakas man ang taong nagkasala sa mata ng diyos ay hindi siya makakaligtas. Mahal na Pangulo Rodrigo R.Duterte ,nais ko lang na malaman mo ang nararamdaman ng isang tulad kong estudyante tungkol sa War on drugs na nagaganap sa ating bansa.Hindi man ito makapagbabago sa panaanaw mo,nais ko pa ring malaman mo,na sana balang araw maisip mo ito at mabago ang tingin mo sa mga tao na nais magbago.Sana'y bigyan mo po sila ng pagkakataon na maipakita ito.
Lubos na gumagalang,
Crisha Garcia Rubico

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento