"HUMSS:Daan sa Magandang Kinabukasan "
Ang Academic Track na tinatawa nilang Humanities and Social Sciences ay sa mga kurso na iyong pagpipilian bilang isang Grade 11student.Para sa akin,lubos itong makakatulong sa aking kursong kukunin sa kolehiyo at naghihintay na magandang trabaho.
Para sa mga Grade 10 students ,ang HUMSS ay pag-aaral sa mga bagay na nangyayari noon katulad ng History sa pagbuo ng mga bagay na pinakikinabangan nation ngayon,ang mga asignatura na pasok dito ay pagalam sa iniisip o nararamdaman ng tao o tinatawag na Psychology,paraan ng tamang pagsulat sa Creative Nonfiction at pagkuha o pagalam ng impormasyon at marami pang iba.
Ang mga asignatura na pinagaaralan ay malaking tulong sa kursong nais mong kunin ,mga bagong kaalaman tungkol sa pinagmulan nito,na magagamit mo pagdating sa kolehiyo.
Ang pinagmulan ng mga bagay at pagbasa sa isipan ng tao ay lubos na nakakaenjoy sapagkat feeling ko ito ay kakaiba sa lahat .Ang matutunan ay tamang pagsulat ng talumpati ,poem ,at iba pang uri ng paraan ng pagbibigay ng opinyon sa iba ay epekto ng lubos na pagkatuto sa asignaturang ito.
Pagdating mo sa kolehiyo ay may sapat ka nang kaalaman at maaring alam mo na rin ang kursong nais sa pagbili ng HUMSS.Maaari mong kunin ang kursong Educarion ,Psychology ,Criminology .Tiyak na pasok sa HUMSS.
Sa bawat kursong pasok dito ,magkakaroon ka ng maayos na trabaho katulad ng pagiging isang guro,na nagbibigay -kaalaman sa mga estudyante o kaya ay paghuli sa mga taong nagkasala,na trabaho naman ng isang pulis.
Ang Humanities and Social Sciences ,para sa akin ay pagalam sa iba't-ibang bagay .Napakarami kong natututuhan dito,na gusto kung iapply sa kolehiyo.Nais ko kasi maging guro balang araw.
Ang pagkakaroon ng matatatag na trabaho ay bunga ng aking pagpupursige sa pag-aaral ,ito ay susi sa magandang kinabukasan na naghihintay sa akin.
Ang pagiging guro ay maipagmamalaki mo sa iyong sarili at sa ibang tao sapagkat ito ay marangal na trabaho,na lubos na makatutulong sa iyo.
Ang pag-aaral ng HUMSS ay daan sa bagay na iyong gustong marating at sa pagtatapos mo nito ay bunga ay magandang kinabukasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento