Martes, Pebrero 14, 2017

photo esay







Noong April 17 2000 binigyang buhay ako ng aking ina at nababatid ang buong ligaya sa unang hakbang ang pagpatak ng luha at ngiti na nababakas sa aking mga labi.



Sa taong ito na tapos ko ang unang yugto ng aking buhay sa pag-aaral kasama ang hirap at pagod na aking naranasan makamit lang ito.


Noong ako'y bata pa sa bawat ngiti makikita ang kamusmusan at mababaw na kaligayahan na nadarama habang ako'y lumalaki sa piling ng aking pamilya.


Sa pagtatapos ng elememtarya masaya ang pakiramdam dahil sulit lahat ng pagod na hinarap at mga metalya na natamo. Sa pagdating ng Junior High School bagong mga tao ang nakikilala at mas hinuhubog ang sarili na mas maunawaan ang mga bagay-bagay sa mundo.


Sa buhay bilang isang dalaga nakaranas ako ng mga bagay katulad ng Prom. Makapagsayaw at maranasan ang ligaya kasama ang mga kaibigan.





 Sa pagtatapos ng Junior High School at pagtanggap ng Certificate sobrang saya at sulit lahat ng paghihirap sa buong apat na taon . Sa kasalukuyan ako'y nasa Senior High School may bagong mga kaibigan, guro,at bagong paaralan na pinapasukan. Ang mga bagong kaibigan ko kasama sa lahat ng saya at hirap na nararanasan sa lahat ng pagkakataon.

Huwebes, Pebrero 9, 2017

Obra Maestra

                                                                  Obra Maestra  

      Noong araw ng Sabado ganap 7:30 ng umaga nagtungo ang mga estudyanteng Senior High School mg Calayan Educational Foundation Inc.sa SM Cinema upang manuod ng pelikulang pinamagatang TAKLUB.Habang naroon ang ilang mag-aaral sa loob ng sinehan,ang iba ay tahimik lang habang nakatingin at maghahanap ng kanilang upuan,may nagdadaldalan sa likod at harap ng upuan at ang iba naman ay tumatakbo paloob dahil nagsisimula na ang pelikula.


Bakit ang isang pelikulang TAKLUB ay mahalagang mapanuod ng katulad mong kabataan o estudyante ng CEFI,masasabi mo ba na ito ay mahalaga na malaman?


Noong isang gabi nagkakagulo at nagsisitakbuhan ang mga tao patungo sa dagat na may dalang timba o galon na pang-salok ng tubig at nagmamadali patungo sa tinitirahan ni Renato na kasalukuyang nasusunog at naroon ang kanyang tatlong anak at asawa na humihingi ng tulong sa mga tao na naroon sa paligid. Hindi nailigtas ang kanyang pamilya at may nag-aagaw buhay pa, ang mga bumbero ay hindi nakarating nakakalungkot dahil wala sila doon upang tumulong sa pag-apula ng sunog at hindi agad ito naagapan.Sana'y nailigtas pa ang pamilya ni Renato.


Sa pelikula na kung saan ang isang tauhan na si Angelo ay paulit-ulit na bumabalik sa City Hall at paulit-ulit na nagpapasa ng papel o dokumento ngunit wala namamg nagbabago.Ang mga tao na wala pang maayos na tirahan at mga tulong galing sa pamahalaan.Sa pelikula,makikita ang nais sabihin ng direktor na imulat tayo sa mabagal na proseso at hakbang pamahalaan.Doon makikita ang hirap ng kanilang buhay ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa at patuloy lang na nanampalataya sa Diyos katulad ng ipinakita ng isang karakter sa pelikula na si Larry. Nakakalungkot man ang kanilang buhay ngunit patuloy naman nila itong nilalabanan.

Sa huling pangyayari sa pelikulang "Taklub" ang mga artista na gumanap ay ipinakilala at doon din nakita ang mga tao na tunay na nakaranas ng mga pangyayari na naganap sa kanilang buhay. Sa pelikula naunawaan ko ang realidad ng buhay at pangyayari na hindi mo inaasahan mga sakuna katulad ng bagyo,sunog matatag na pananampalataya ng mga tao ay parte ng buhay,at nararanasan ng lahat.

Sa unang bahagi ng kuwento sa isang baranggay ay may nasusunog ng tirahan at nasa loob pa ang mag-anak.Hindi sila nakaligtas sapagkat sobrang lakas na ng apoy at kulang pa ang tao o bumbero sa lugar.Dahil sa bagyo,ilang pamilya ay pansamantalang nakatira sa parang itinayong tarapal.Sa pangyayaring ito ay dito ipinapakita ang realidad ng buhay at pangyayaring nagaganap sa atin. Ang pelikulang "Taklub" ay dapat panuorin ng kabataan upang maging mulat tayo sa bagay-bagay o sitwasyon ng ating kapwa.Ang pelikula ay isang napakaganda at kapupulutan ng aral at kilala ang director nito na si Brilliante Mendoza sa paggawa ng isang maayos na pelikula.

Karapatang Pantao,ipaglaban Mo!

 
Karapatang Pantao, Ipaglaban Mo!

Sa lungsod ng Lucena,noong ika-10 ng Disyembre naganap ng pagupulong ng mga samahan na may ipinaglalaban.Nagtipon ang lahat kasama ang mga estudyante ng Calayan Educational Foundation sa event Center,3rd Floor bahagi ng Pacific Mall,Lucena City. Sa araw ng anibersaryo,ipinahayag ang kapayapaan at karapatan ng mamamayan.Ayon sa samahan na tinatawag na Tanggol Kapayapaan,isinusulong nil ang Peace Talks at kontra-droga at lalo ang kampanya ng pamahalaan tungkol sa extrajudicial killings. Sa unang bahagi o pasimula hinihikayat ang mga estudyante na mag-voice out tungkol sa mga hinaing,nais iparating sa iba at ipahayag ang nararamdaman.May nag-poetry performance,umawit upang ipahayag ito.
Inimbitahan ang lahat ng estudyante sinumang may nais na magface painting.Sa kabuuan ng event nagpalabas sila ng isang pelikula na pinagbibidahan ni Eugene Domingo,Isa Calsado at iba pang mga artista.Ang pamagat ng pelikula ay Barbero.
Sa bawat gilid ng mga pader,may mga larawan ng iba't-ibang tao at may mga salita na nakasulat "Suportahan ang matagalan at makatarungang kapayapaan sa Bansa!Ipaglaban ang saligang karapatan ng mamamayan!"Isa lang ito sa mga nakatala sa mga poster.
Sa tabi naman ng upuan at naroon ang mga artists na nagpipinta ng kanilang adbokasiya.Makikita mo rito ang mukha ng mga bayani,mga dating pangulo gamit ang telang puti at mga materyales sa pagpipinta.

Mapapansin na ang ilang mga tao na nagdadaan ay napapatingin o 'di kaya naman ay tumitigil upang tingnan ang mga ginagawa ng mga nagpipinta.May napapatigil upang makinig o manuod ng pelikula na ipinapalabas. Ayon sa aming nakapanayam,sinasabi niyang ang bawat tao ay may karapatan na ipagtanggol ang sarili;katulad namin mga kabataan lubos paninindigan niya na kami ang pag-asa ng bayan,kaya,maniwala raw kami sa aming kakayanan bilang isang huwarang kabataan. Makalipas ang ilang oras,naghandog ang isang kabataang lalaki ng isang kanta o rap para sa lahat nakasaad sa kanra na ang lahat ay dapat maging bukas sa mga kaganapan at 'wag magbulagbulagan. Matapos naman naghandog ang isang kababaihan ng tula para sa kanyang adbokasiya,nabanggit niya ang "kabataan pag-asa ng bayan huwarang dapat tularan.Maging bukas sa mundong ginagalaaan"...isa sa mga kinya na aking marinig. Kasabay nito ang pagbibigay ng mga papel na kasabi sa kanilang panahon sa mga estudyante na nakaupo at nakikinig sa mga nagsasalita.May naghihikayat din na sumapi sa mga samahan katulad ng EU Bahaghari LGBT sa kanilang paniniwala kaugnay sa kapayapaan. Kinalaunan,matapos ang pagsasalita ng kasapi sa samahan LGBT ay may nagpapaliwanag naman ng tungkol sa batas at ano nga ba ang karapatan Pantao. Unang binanggit ang nagaganapan sa kasalukuyan tungkol sa kabi-kabilang pamamaslang resulta ng kontra-droga ang extrajudicial killings.Umabot na sa mahigit 3000 na ang biktima nito.Nabanggit din ang patagong paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos at pagturing sa isang "pasista" na bayani. Ayon sa kanya,ang pagkatas na paglilibing kay Marcos ay galaw ng isang magnanakaw at kahit sa huli ay nagkasala siya sa mamamayan. Matapos amg lahat ng nais ipahiwatig ang lahat ng nais ipahiwatig o ibigay alam ang pagpipinta ay natapos na rin bilang paggunita,magsisindi ng kandila at sama-samang paglalakad ang lahat kasama ang mga estudyante at iba't-ibang samahan. Habang naglalakad hawak ang mga sinding kandila nagpatuloy ang lahat sa paglalakad at mga samahan na nagvoice-out na nais sabihin papunta sa malapit sa Quezon National High School.

Sanaysay

  Sanaysay

Ang sanaysay ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro,damdamin,kaisipan,saloobin,reaksyon at iba pang manunulat hinggil sa isang makabuluhan,mahalaga at napapanahong paksa o isyu.Mahalaga sa pagsusulat at pagbasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. Ang talambuhay ay maituturing na sanaysay sapagkat ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may akda. Ito ay isang pamamaraan upang maipahayag ang mga bagay-bagay,mga karanasan o isyu na nagpapakilala ng personalidad ng isang tao;dito malalim din nating napapahayag ang ating damdamin. Naging tunguhin ng sanaysay ng panitikang Filipino ang sining na patuloy na lumalaganap sa panlipunan at pangrelihiyon. Kaugnay din dito ang mga paksang tungkol sa iba't I bang kaugalian ng Filipino na inilalarawan sa mga pagsulat ng sanaysay.Isa pa sa naging tunguhin ng sanaysay ang mga pangpanitikang salawikain noong ika-17hanggang lalong lumaganap at nakaimpluwensya sa ibang bansa noong ika-19. Ang sanaysay ay malaking tulong upang maipahayag ang iyong saloobin nakasulat dito ang mga karanasan ng isang manunulat na kung saan malayang naipapahayag ang nais niya.Katulad ng maikling kuwento meron itong mga bahagi na kung saan naipapahayag ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari nagsimula sa pagpapakilala ng tauhan na kung saannakapupukaw ng atensyon sa mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbasa ng akda sa gitna mo makikita ang bahagi ng sanaysay na tumatalakay sa mahahalagang tema o nilalaman na nagpapaliwanag na mga pangyayari. Sa wakas nagsasara ng talakayang naganap sa kuwento.Dahil dito mas lubos na nagugustuhan ng mga Filipino ang pagsulat sapagkat sa sanaysay nakikilala ang iyong sarili at sa ibang tao. Ang sanaysay bilang anyong pampanitikan ay nagsisilbing komunikasyon upang maipahayag ang kanyang layunin.Dito nakikilala ang sanaysay bilang epektibong pamamaraan upang maipakita ang makatotohanan,kapani-paniwala may lalim at may puso.Sapagkat ang sanaysay ay katulad ng kasaysayan may maraming saysay dito malaki ang ambag ito sa tradisyon at pagbuo ng bansa at kamalayan. Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa.Inaakay ng manunulat ang mga mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos .Halimbawa ng pormal na sanaysay ay sulating- pananaliksik,eksam,talumpati at mapanuring pampanitikan Ang di pormal naman ay uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan karaniwang ,pang araw -araw at personal na binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay,karanasan o isyung maaring magpakilala ng personalidad ng manunulat upang makilala ng mambabasa.halimbawa ng Impornal naman ay talaarawan o dyornal, liham,panayam at iba pa. Ang Malikhaing sanaysay ay isang konsepto ng pagsasanib ng malikhaing pagkatha at ang paguulat.Ang malikhaing sanay ay mga salaysay na totoo o hindi kathang-isip na gumagamit ng estratehiya at teknik ng mailing kuwento na nagtatala sa mga tunay na tao at pangyayari. Karamihan sa blog ay naglalaman ng komentaryo o balita ang ilang paksa ay ginagamit upang maging talaarawan karamihan dito ay binubuo lamang ng purong salita pero mayroon ding punto any nilalaman ng obra;may tunog at larawan na pipaikli.Ito ay nagsisilbing journal o paraan ng pagbabahagi ng importanteng pangyayari o karanasan ng isang tao. Ang malikhaing sanaysay ay binhi ng realidad na kung saan malinaw na naipapaliwanag ang kuwento.Madali niyang na isasalaysay ang karanasan ,obserbasyon ,pagninilay at kuro-kuro;dito kadalasang nakikita ang malinaw at malalim na paksa at naipapahayag ng maayos.