Karapatang Pantao, Ipaglaban Mo!
Sa lungsod ng Lucena,noong ika-10 ng Disyembre naganap ng pagupulong ng mga samahan na may ipinaglalaban.Nagtipon ang lahat kasama ang mga estudyante ng Calayan Educational Foundation sa event Center,3rd Floor bahagi ng Pacific Mall,Lucena City.
Sa araw ng anibersaryo,ipinahayag ang kapayapaan at karapatan ng mamamayan.Ayon sa samahan na tinatawag na Tanggol Kapayapaan,isinusulong nil ang Peace Talks at kontra-droga at lalo ang kampanya ng pamahalaan tungkol sa extrajudicial killings.
Sa unang bahagi o pasimula hinihikayat ang mga estudyante na mag-voice out tungkol sa mga hinaing,nais iparating sa iba at ipahayag ang nararamdaman.May nag-poetry performance,umawit upang ipahayag ito.
Inimbitahan ang lahat ng estudyante sinumang may nais na magface painting.Sa kabuuan ng event nagpalabas sila ng isang pelikula na pinagbibidahan ni Eugene Domingo,Isa Calsado at iba pang mga artista.Ang pamagat ng pelikula ay Barbero.
Sa bawat gilid ng mga pader,may mga larawan ng iba't-ibang tao at may mga salita na nakasulat "Suportahan ang matagalan at makatarungang kapayapaan sa Bansa!Ipaglaban ang saligang karapatan ng mamamayan!"Isa lang ito sa mga nakatala sa mga poster.
Sa tabi naman ng upuan at naroon ang mga artists na nagpipinta ng kanilang adbokasiya.Makikita mo rito ang mukha ng mga bayani,mga dating pangulo gamit ang telang puti at mga materyales sa pagpipinta.
Mapapansin na ang ilang mga tao na nagdadaan ay napapatingin o 'di kaya naman ay tumitigil upang tingnan ang mga ginagawa ng mga nagpipinta.May napapatigil upang makinig o manuod ng pelikula na ipinapalabas.
Ayon sa aming nakapanayam,sinasabi niyang ang bawat tao ay may karapatan na ipagtanggol ang sarili;katulad namin mga kabataan lubos paninindigan niya na kami ang pag-asa ng bayan,kaya,maniwala raw kami sa aming kakayanan bilang isang huwarang kabataan.
Makalipas ang ilang oras,naghandog ang isang kabataang lalaki ng isang kanta o rap para sa lahat nakasaad sa kanra na ang lahat ay dapat maging bukas sa mga kaganapan at 'wag magbulagbulagan.
Matapos naman naghandog ang isang kababaihan ng tula para sa kanyang adbokasiya,nabanggit niya ang "kabataan pag-asa ng bayan huwarang dapat tularan.Maging bukas sa mundong ginagalaaan"...isa sa mga kinya na aking marinig.
Kasabay nito ang pagbibigay ng mga papel na kasabi sa kanilang panahon sa mga estudyante na nakaupo at nakikinig sa mga nagsasalita.May naghihikayat din na sumapi sa mga samahan katulad ng EU Bahaghari LGBT sa kanilang paniniwala kaugnay sa kapayapaan.
Kinalaunan,matapos ang pagsasalita ng kasapi sa samahan LGBT ay may nagpapaliwanag naman ng tungkol sa batas at ano nga ba ang karapatan Pantao.
Unang binanggit ang nagaganapan sa kasalukuyan tungkol sa kabi-kabilang pamamaslang resulta ng kontra-droga ang extrajudicial killings.Umabot na sa mahigit 3000 na ang biktima nito.Nabanggit din ang patagong paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos at pagturing sa isang "pasista" na bayani.
Ayon sa kanya,ang pagkatas na paglilibing kay Marcos ay galaw ng isang magnanakaw at kahit sa huli ay nagkasala siya sa mamamayan.
Matapos amg lahat ng nais ipahiwatig ang lahat ng nais ipahiwatig o ibigay alam ang pagpipinta ay natapos na rin bilang paggunita,magsisindi ng kandila at sama-samang paglalakad ang lahat kasama ang mga estudyante at iba't-ibang samahan.
Habang naglalakad hawak ang mga sinding kandila nagpatuloy ang lahat sa paglalakad at mga samahan na nagvoice-out na nais sabihin papunta sa malapit sa Quezon National High School.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento