Obra Maestra
Noong araw ng Sabado ganap 7:30 ng umaga nagtungo ang mga estudyanteng Senior High School mg Calayan Educational Foundation Inc.sa SM Cinema upang manuod ng pelikulang pinamagatang TAKLUB.Habang naroon ang ilang mag-aaral sa loob ng sinehan,ang iba ay tahimik lang habang nakatingin at maghahanap ng kanilang upuan,may nagdadaldalan sa likod at harap ng upuan at ang iba naman ay tumatakbo paloob dahil nagsisimula na ang pelikula.
Bakit ang isang pelikulang TAKLUB ay mahalagang mapanuod ng katulad mong kabataan o estudyante ng CEFI,masasabi mo ba na ito ay mahalaga na malaman?
Noong isang gabi nagkakagulo at nagsisitakbuhan ang mga tao patungo sa dagat na may dalang timba o galon na pang-salok ng tubig at nagmamadali patungo sa tinitirahan ni Renato na kasalukuyang nasusunog at naroon ang kanyang tatlong anak at asawa na humihingi ng tulong sa mga tao na naroon sa paligid.
Hindi nailigtas ang kanyang pamilya at may nag-aagaw buhay pa, ang mga bumbero ay hindi nakarating nakakalungkot dahil wala sila doon upang tumulong sa pag-apula ng sunog at hindi agad ito naagapan.Sana'y nailigtas pa ang pamilya ni Renato.
Sa pelikula na kung saan ang isang tauhan na si Angelo ay paulit-ulit na bumabalik sa City Hall at paulit-ulit na nagpapasa ng papel o dokumento ngunit wala namamg nagbabago.Ang mga tao na wala pang maayos na tirahan at mga tulong galing sa pamahalaan.Sa pelikula,makikita ang nais sabihin ng direktor na imulat tayo sa mabagal na proseso at hakbang pamahalaan.Doon makikita ang hirap ng kanilang buhay ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa at patuloy lang na nanampalataya sa Diyos katulad ng ipinakita ng isang karakter sa pelikula na si Larry.
Nakakalungkot man ang kanilang buhay ngunit patuloy naman nila itong nilalabanan.
Sa huling pangyayari sa pelikulang "Taklub" ang mga artista na gumanap ay ipinakilala at doon din nakita ang mga tao na tunay na nakaranas ng mga pangyayari na naganap sa kanilang buhay.
Sa pelikula naunawaan ko ang realidad ng buhay at pangyayari na hindi mo inaasahan mga sakuna katulad ng bagyo,sunog matatag na pananampalataya ng mga tao ay parte ng buhay,at nararanasan ng lahat.
Sa unang bahagi ng kuwento sa isang baranggay ay may nasusunog ng tirahan at nasa loob pa ang mag-anak.Hindi sila nakaligtas sapagkat sobrang lakas na ng apoy at kulang pa ang tao o bumbero sa lugar.Dahil sa bagyo,ilang pamilya ay pansamantalang nakatira sa parang itinayong tarapal.Sa pangyayaring ito ay dito ipinapakita ang realidad ng buhay at pangyayaring nagaganap sa atin.
Ang pelikulang "Taklub" ay dapat panuorin ng kabataan upang maging mulat tayo sa bagay-bagay o sitwasyon ng ating kapwa.Ang pelikula ay isang napakaganda at kapupulutan ng aral at kilala ang director nito na si Brilliante Mendoza sa paggawa ng isang maayos na pelikula.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento