Huwebes, Pebrero 9, 2017

Sanaysay

  Sanaysay

Ang sanaysay ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro,damdamin,kaisipan,saloobin,reaksyon at iba pang manunulat hinggil sa isang makabuluhan,mahalaga at napapanahong paksa o isyu.Mahalaga sa pagsusulat at pagbasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. Ang talambuhay ay maituturing na sanaysay sapagkat ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may akda. Ito ay isang pamamaraan upang maipahayag ang mga bagay-bagay,mga karanasan o isyu na nagpapakilala ng personalidad ng isang tao;dito malalim din nating napapahayag ang ating damdamin. Naging tunguhin ng sanaysay ng panitikang Filipino ang sining na patuloy na lumalaganap sa panlipunan at pangrelihiyon. Kaugnay din dito ang mga paksang tungkol sa iba't I bang kaugalian ng Filipino na inilalarawan sa mga pagsulat ng sanaysay.Isa pa sa naging tunguhin ng sanaysay ang mga pangpanitikang salawikain noong ika-17hanggang lalong lumaganap at nakaimpluwensya sa ibang bansa noong ika-19. Ang sanaysay ay malaking tulong upang maipahayag ang iyong saloobin nakasulat dito ang mga karanasan ng isang manunulat na kung saan malayang naipapahayag ang nais niya.Katulad ng maikling kuwento meron itong mga bahagi na kung saan naipapahayag ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari nagsimula sa pagpapakilala ng tauhan na kung saannakapupukaw ng atensyon sa mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbasa ng akda sa gitna mo makikita ang bahagi ng sanaysay na tumatalakay sa mahahalagang tema o nilalaman na nagpapaliwanag na mga pangyayari. Sa wakas nagsasara ng talakayang naganap sa kuwento.Dahil dito mas lubos na nagugustuhan ng mga Filipino ang pagsulat sapagkat sa sanaysay nakikilala ang iyong sarili at sa ibang tao. Ang sanaysay bilang anyong pampanitikan ay nagsisilbing komunikasyon upang maipahayag ang kanyang layunin.Dito nakikilala ang sanaysay bilang epektibong pamamaraan upang maipakita ang makatotohanan,kapani-paniwala may lalim at may puso.Sapagkat ang sanaysay ay katulad ng kasaysayan may maraming saysay dito malaki ang ambag ito sa tradisyon at pagbuo ng bansa at kamalayan. Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa.Inaakay ng manunulat ang mga mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos .Halimbawa ng pormal na sanaysay ay sulating- pananaliksik,eksam,talumpati at mapanuring pampanitikan Ang di pormal naman ay uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan karaniwang ,pang araw -araw at personal na binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay,karanasan o isyung maaring magpakilala ng personalidad ng manunulat upang makilala ng mambabasa.halimbawa ng Impornal naman ay talaarawan o dyornal, liham,panayam at iba pa. Ang Malikhaing sanaysay ay isang konsepto ng pagsasanib ng malikhaing pagkatha at ang paguulat.Ang malikhaing sanay ay mga salaysay na totoo o hindi kathang-isip na gumagamit ng estratehiya at teknik ng mailing kuwento na nagtatala sa mga tunay na tao at pangyayari. Karamihan sa blog ay naglalaman ng komentaryo o balita ang ilang paksa ay ginagamit upang maging talaarawan karamihan dito ay binubuo lamang ng purong salita pero mayroon ding punto any nilalaman ng obra;may tunog at larawan na pipaikli.Ito ay nagsisilbing journal o paraan ng pagbabahagi ng importanteng pangyayari o karanasan ng isang tao. Ang malikhaing sanaysay ay binhi ng realidad na kung saan malinaw na naipapaliwanag ang kuwento.Madali niyang na isasalaysay ang karanasan ,obserbasyon ,pagninilay at kuro-kuro;dito kadalasang nakikita ang malinaw at malalim na paksa at naipapahayag ng maayos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento